hindi ko alam na ghost month pala yun. hindi ko rin naman alam kung ano ba talaga ang ghost month. para sigurong todos los santos para sa atin. ngayon ko na lang napagdugtong-dugtong iyan sa kahulugan ng buhay ko, dahil tuwing sasapit ang buwan ng agosto--ang daming nangyayaring kabuwisitan sa buhay ko. Bandang agosto, di ko na matandaan ang taon, nang hulihin ako ng pulis sa loob ng sinehan dahil may ginagawa kaming milagro ng katabi kong di ko naman kilala. wala pa akong disiotso anyos nun. mukha pang bagets, payatot pero mapangahas. binubuksan ko pa lang ang siper ng katabi ko, biglang may humawak sa batok ko, mahigpit. huli ka. hawak ang leeg ko, itinayo ako ng pulis. samantalang hindi niya hinayaang makatakas ang katabi ko na noon sana'y tatakbo na. hinablot niya ang tshirt nito at sabay kaming inilabas ng sinehan. ano daw ba ang ginagawa naming kalaswaan. ayun. sa madali't salita, pera ang hanap niya (meron bang pulis na nanghuhuli ng bading na hindi pera ang hanap?). nagbigay kami pareho. hindi ko alam kung bakit pagkaraan ng ilang sandali, ayaw pa rin akong pakawalan ng pulis na ito. bundat siya. (nung panahong iyon, wala yatang pulis na hindi. ngayon ba?) at ang kapansin-pansin sa kanyang mukha ay ang kaliwa niyang mata. kirat ito. hindi, parang artipisyal dahil hindi gumagalaw, hindi tumatanaw. lalong nakakatakot. samakatwid, ako na lang at ang pulis, hawak pa rin ako sa batok, ang naglalakad sa Oroquieta. tandang-tanda ko, agosto yun, hapon. habang naglalakad kami, may kumaway sa kanya mula sa isang karinderyang dinadaanan namin. sa palagay ko, isa rin siyang pulis. bundat din, e. sa loob loob ko, ano pa ba ang gusto sa akin ng pulis na ito? nakuha na niya ang nag-iisang singkwenta pesos sa bulsa ko. iniimagine ko, maglalakad na ako pauwi. pero hindi, patuloy kaming naglakad hanggang kumaliwa kami sa Recto. tumawid kami papuntang Carriedo. at doon, sa kanto ng recto, may isang maliit na restawran. Parang kilala na rin siya doon dahil kinawayan niya ang mga waiter. ipinasok niya ako sa kubeta. binuksan ang kanyang siper at sinabing, "o ayan, yan ang isubo mo." Muntik akong masuka. hindi ko na ikukuwento ang sumunod, dahil hindi naman siya guwapo at hindi naman ito porn lit. mahigit tatlumpung taon ang nagdaan bago ko na-realize na ang pesteng kabuwisitang nangyari sa buhay ko, kapag pumapatak ng agosto, ay dahil yata sa letseng ghost month . dinadasal ko na lang na ang putang-inang pulis na iyon ay tinamaan na rin ng kabuwisitan sa isang agostong nagdaan.
marami pang kabuwisitang nangyari sa buhay ko. at tuwing naaalala ko sila, hindi ko alam kung iniimagine ko lang na sa bandang buwan sila ng agosto nangyari. pero yung mga pinakamasasakit, pinakabuwisit, pinakamalulupit na karanasang tulad ng naikuwento ko kanina, peks man, nangyari sa bandang agosto o pagsapit ng setyembre. at oo, sinusulat ko itong blog entry na ito sa isang lumang laptop na tumitigil tuwing sinusubukan kong maglaro ng farmville dahil NASIRA ANG DESKTOP HARD DISK KOOOOOO! pinull-out ng technician, kahapon: agosto 11.
wala yatang lunas ito. alam ko may mga kuwintas at kristal na maaaring makatulong para maiwasan ito. may mga orasyon at mga bagong ayos ng gamit sa bahay na maaaring makabawas ng malas. hindi ko alam. kapag nangyari ang kabuwisitan -- hinahayaan ko lang magdaan ang mga araw. dahil pagkatapos ng agosto, setyembre na. dadaan din iya't oktubre na. dalawang buwan na lang, pasko na uli. at nararamdaman kong humuhupa pati ang aking agam-agam. makakalimutan ko sandali ang mga kamalasang iyan na magiging bahagi ng aking buhay. at least bago muling pumatak sa agosto sa susunod na taon.