hindi ako nagtapos kaya hindi ako pwedeng magturo sa kolehiyo o kahit saang eskuwelahan. kaya iniengganyo ako ng mga kaibigan kong propesor na tapusin na ang aking AB Philippine Studies. Isang beses, muntik na akong makumbinsi ng isang kaibigan na ngayon ay isa nang PhD at may posisyon na sa pamantasang pinanggalingan ko. Kaya isang araw, wala naman akong masyadong ginagawa nuon, sinubukan kong sundan ang kanyang payo.
Nagpunta ako sa registrar's office para alamin kung ano nga ba ang status ng aking paggiging estudyante, mga mahigit labinglimang taon na ang nakakaraan. Nagulat ako kasi andun pa rin ang rekord ko. ipinakita ito sa akin ng isang clerk. nagbalik sa isang iglap ang maraming alaala ko sa kolehiyo. nuon ang yabang yabang ko. feeling ko hindi ko kailangan itong degree. pinagtatawanan ko ang mga kapwa ko estudyanteng nagkakandarapang makakuha ng degree, habang ako, ang tapang tapang kong pinaniniwalaang hindi mahalaga ang magtapos. ang mahalaga'y mapalaya ang isip, mapalaya ang damdamin, mapalaya ang bayan. kaalinsabay ng tapang ng loob, ng yabang na naramdaman ko, naramdaman kong suportado ito ng kilusang sinalihan ko. Noon, hindi mahalaga sa akin ang magkaroon ng diploma. romantiko akong tao. hindi lang sa larangan ng pakikipagrelasyon kundi sa usapin ng pagtingin sa buhay, daigdig. Sa madaling salita, romantiko din ang pagtingin ko sa aklasang bayang sinusulong namin sa kilusan. Inimadyin kong makakapagtapos ako, nang may tunay na ngiti sa aking mga labi, nang may buong pagmamayabang sa madla, kung ibang sistemang pang-edukasyon na ang inilatag sa bayan. Makapagtatapos ako, nang may kapayapaan sa puso kung nagtagumpay na ang rebolusyon. Weh. Nagdaan ang people power, at mrami pang signos pulitikal-- hindi naman nangyari yun.
Fast forward sa araw ng readmission: nang ipakita sa akin ang transcript ko, May 24 units akong penalty na idinagdag sa akin, para makapagtapos. Sabi sa akin ng kaibigan kong propesor, "ok lang iyan. mag-enrol ka sa mga kakilala nating mga titser. alam na nila ang ginagawa mo. Marami ka nang sinulat, marami ka na ring achievments-- e kumbaga, baka sila na ang mahiyang maging titser mo." May pag-aatubili ako, kasi parang, ano nga ba? Mag-eenrol ako para tapusin ang kaletsehang ito, mga isang taong mahigit na pormalidad ang titiisin ko, para makamit ko ang aking diploma. Nang sa gayon, pwede na akong kunin ng departamento para makapagturo ng pagsulat ng dula. Dahil kulang na kulang ang nagtuturo ng pagsulat ng dula.
Nung araw na iyun, sabi ko, wala naman akong ginagawa, at saka nandito na rin lang ako, ay di sige. So ang una kong dapat gawin ay magpapirma ng mga clearance. sa Admin, sa university registrar, at sa kung saan saan pa. Buong pagpapasensiya akong pumila nang pumila. at doon natandaan ko rin ang mga araw ko sa kolehiyo-- ang daming pila. pila sa pag-eenrol ng mga klase, pila sa loob ng ROTC para lang makakuha ng class card. Napapangiti ako habang naaalala ko ang kapangahasan namin noon. Noon, nag-eenrol ako para makasama ko ang mga kapwa ko estudyanteng sabay-sabay na lalabas sa classroom para magprotesta. Nag-eenrol ako nuon para tumayo at tuligsain ang reaksyunaryong pananaw ng ilang titser ko sa mga kursong hindi ko naman gustong kunin. Nag-eenrol ako para makinig sa mga student lider, at mga mahuhusay na propesor na humihimok ng radikal na pagbabago hindi lamang sa pamantasan kundi sa buong bayan. Pero ngayon, eto ako, nakapila sa isang binakurang daanan, kung saan maraming estudyanteng naghihintay na makapasok sa isang kolehiyo, para ano? Para magkadiploma. Ngayon, nakapila ako, walang yabang, pinagpapwisan, pero kiming naghihintay ng readmission slip.
Pagdating ng mga alas-tres ng hapon, nakuha ko ang readmission slip ko. Ngayon, pwede na akong mag-enrol. binasa ko ang readmission slip ko. Pero wala naman akong masyadong maintindihan. Ang naaalala ko lang nung mga sandaling yun ay yung sabi ng kaibigan kong propesor, " pag nakatapos ka na, pwede ka nang magturo dito."
Dala-dala ang readmission slip, pumila na ako sa unang kursong eenrolan ko. napatingin ako sa malayo. Matagal tagal din akong napatitig. minsan, napapasulyap ako sa hawak kong readmission slip. sumagi sa isip ko ang lahat ng mga nagawa ko sa labas ng pamantasang ito. kung paano ako natutong magsulat ng dula, nang walang tulong ng pamantasang ito. Kung paano ako natutong bumasa at sumuri ng mga obrang pampanitikan at pandulaan, nang walang tulong ng pamantasang ito. Kung paano ako nakipagbalitaktakan sa ilang mga propesor at mga mandudula ng iba't ibang bansa, nang walang tulong ng pamantasang ito. Kung paano ako nagturo ng pagsulat ng dula sa mga estudyante ng Masters in Education mula sa iba't ibang panig ng Pilipinas, nang walang tulong ng pamantasang ito. Napakurap ako sandali. Lumingon ako sa kalsada. At dahan-dahan akong tumalikod at umalis sa pila.
Hindi yabang ang naramdaman ko. Kundi, kawalan ng interes. bukod sa maghangad akong magkadiploma, ano pa nga ba ang silbi nitong pag-eenrol ko? Mula sa pag-aatubili, dahan-dahang naging sigurado ang mga hakbang ko papalayo sa pamantasan. sumakay ako ng dyip, palabas ng campus. Isinuksok ko ang readmission slip sa maliit na bulsa ng bag ko. At yon na ang huling beses kong nakita ito.
Lagi ko pa ring hinahangaan ang mga nakapagtapos na tulad ng mga kaibigan ko sa departamento. Pinagsisisihan ko pa rin kung bakit hindi ko tinapos ang una kong kursong pinasok sa kolehiyo. gusto kong maging duktor nuon. B.S. biology ang una kong pinasukan. Labis ko pa ring pinagsisihan kung bakit ako nag-shift ng kurso at napunta sa departamento ng Filipino at Philippine Studies na katatatag lamang nuon. At siguro hanggang ngayon, may kaunti pa rin akong pagnanasang makapagtapos. Ng kahit na anong kurso. Pero ewan ko ba. Hindi ko na makita ni maramdaman ang halaga ng pagtatapos. Dahil marami-rami rin naman akong natapos sa larangang pinili ko.
ang malungkot lang, ang tanging kinikilala ng akademya ay ang mga taong nagtapos sa kanilang institusyon. hindi nito kikilalanin ang mga taong nagtapos sa labas ng kaniyang campus. wala namang halong pag-iimbot iyan. At tinatanggap ko iyan katulad ng pagtanggap ko sa marami pang bahagi ng buhay natin na madalas nating ituring na "E sa ganun talaga, e."
Heartfelt and striking. Glad you got back on your feet to study and learn and get that diploma. :)
ReplyDelete@guyrony uhm.. i didn't. i turned back and left the university, right at that moment. which is the point of this small story-- no regrets for me.
ReplyDeletesaludo ako sayo sir rody....apir!
ReplyDeleteAko rin gusto kong magturo. Pero, hay, gano'n talaga. :)
ReplyDeleteSaludo ako sa mga taong nagkaroon ng mga pananaw na mapanuri at maprensipyo.... mabuhay ang diwa ng pagiging ISKO at ISKA... sa isang banda, maari ring dahil sa pakikilahok sa mga gawain sa pamantasan ang pagkakaroon natin ng damdamin na maglingkod sa bayan sa abot ng ating makakaya...
ReplyDeletehello pare,
ReplyDeletei think challenge din sa iyo yan na tapusin ang kahit isang kurso man lang. Kailangan din ang konting pagpakumbaba para makinig sa mga taong di natin gustong pakinggan.
kung nakaya ng mga bobo at boba na magtapos ng isang degree, bakit di mo kakayanin? matalino kang tao, mapag-isip, kulang ka lang nga tiyaga.
nandito na rin tayo, magtiyaga na lang munang sumunod sa mga patakaran.
kagaya sa yo, gusto kong magturo.Kaya ayon tinapos ko rin ang mga degrees na di ko maisip kong paano ko pinagtitiyagaan.
Bisaya ko bay. Pero naningkamot gani makabalog iningles og tagalog.
Dili ko kaayo hilig sa chemistry, kay doktor jud akong ganahan. Pero nahuman baya nako ang akong chem sa ateneo de davao.
Dili ko ganahan mag-law, pero tungod lang ni pader, na-lawyer ra jud tawon ko.
sakripisyo lang ginagmay. Moabot ra lagi ang langit.
touched ko sa imong monoblogue.
padayon og pagsulat kay mobasa sab ko sa imong mga kahiubos.
i remember a friend MIKE OBENIETA
ReplyDeleteA writer from San Carlos University
who also wants to teach in the university.
He has a term for himself "UFO: (Undergraduate FOrever).
He is now in the U.S. trying to finish a course. HE says after finishing a degree, he will come to the Phil. to teach.
Marunong din sa buhay. Ayaw niya sa mga Bisdak teachers, so ayon nagtitiyaga sa snow.
hey rsb! galing, naman, bay. kahit hindi ako bisaya nakiki-bay na rin, hehe. tama ka, hindi na yabang ito, kundi tiyaga o kakulangan nun. at siguro prioridad. malamang nakikita kong gumagradweyt sa edad 70 waaah. naalala ko nung bata ako, tawa ako nang tawa sa isang episode ng dolphy panchito tv show. tumanda si dolphy, tsaka lang nakapasa ng grade 1. habang may buhay, may pag-asa, sabi nga. so i guess, ganun na nga lang muna ang pagtingin ko sa pagtatapos: tsaka na muna. tinamad na rin ako na i-prioritize yun. take note, graduation, hindi learning. learning has always been a priority para sa akin. yung graduation ang medyo nasa back burner ngayon. who knows. salamat, binigyan mo ng pangalan ang katulad ko. isa pala akong matalinong alien, UFO! hahaha.
ReplyDeletejust wondering, maybe you should ask pete lacaba paano siya nakapagturo sa masscom? kung expert ka na kasi sa field mo (and you are) kahit wala kang degree pwede ka naman sigurong magturo...tingin ko lang...sayang naman kasi ang maibabahagi mong kaalaman at karanasan sa iba.
ReplyDeleteSwerte lang ako na nakatapos ako kasi I was about to drop out and go FT (uso iyon noon kasi 10 taon na lang daw, tagumpay na)when my dad told me, sa pagtagumpay ng rebolusyon, kailangan ng mga taong may kakayahan at karunungan para sa bagong pagtatayo ng lipunan (reconstruction). Ngeek, wala akong kontra argumento....kaya balik sa silid-aralan.
Getting a degree is a socialization process, not just a learning experience. Essentially they are barriers to determine who can be "in" a profession, and often the barriers involve having to undergo "learning" which may not be all that useful.
ReplyDeleteIt seems a shame if you can benefit those who come after you with the teaching of your skills; this becomes more important as we get older - we need to pass on the baton to those who come after us (as in Erickson's concept).
Is there any way you can teach without the diploma?
Here in Australia, there are technical colleges which teach skills, and the emphasis is on teachers with experience rather than qualifications.
Perhaps you can teach at writers workshops.
I wish you all the best, whatever you decide.
Rody, magandang ikuwadro ang diploma, pero sa tutoo lang nalampasan mo na ng ilang beses ang matutunan mo sa unibersidad. You cobbled together your own university. Many of the colleges here recognize the value of auto-didacts like you, and offer them adjunct positions in their faculty roster. Sana ganun din dyan.
ReplyDelete