Matagal na itong tagheuer sa tocador ko. binigay ni khaek sa akin. sabi niya, akin na lang daw. ako naman siyempre tumaba ang puso. wow. tagheuer. "is this orig?" tumango siya. 30k daw ang binayad niya dito. sale. "why are you giving it to me?" sabi niya, nakabili na daw kasi siya ng bagong relo. mas maganda. o di ba? Samantalang ako ito, nagtitiyaga sa isang seiko automatic na tuwing dalawang linggo ay kailangan kong i-adjust dahil bumibilis nang bumibilis ang takbo-- nagiging 30 minutes advanced.
kaso masyadong maluwag ang wrist strap nitong tagheuer at hindi na siya umaandar. kailangan na yatang palitan ang baterya. four or five months ago, dinala ko sa tagheuer store sa makati. sabi nila hindi raw sila repair shop. the only repair shop for tagheuer and other luxury watches is in ali mall daw, sa cubao. ang layo. pinatingnan ko sa ibang repair shop. tuwing nakikita nilang tagheuer ang relo, sinasabi nila, "hindi kami gumagawa niyan, ser. kailangan sa tagheuer niyo ipagawa."
tumagal nang tumagal, di ko na napaayos. until itong pasko. kasama ko si jun nagpasya kaming lakbayin ang alimall. at nakita namin ang repair shop. sosyal. ang tangi nilang inaayos at kinukumpuni ay mga sosyal din na relo: oris, tagheuer, movado, rolex, rado, etc. So pumasok ako, all of sudden feeling one of the few elite na merong tagheuer. nilabas ko ang relo at sinabi ko sa babae sa counter, " Gusto kong ipaayos ito. I think kailangang palitan ng baterya at saka paiiklian ko na rin ang metal strap" Tumayo ang babae, "Wait a minute po, sir." At pumasok siya sa loob ng isang pinto na piring nakasara.
Naghintay kami ni Jun. Luminga-linga kami at nakita namin ang mga binebentang tagheuer, longines, etc. wow, sabi ko sa isip ko, pag naayos na itong tagheuer ko-- pareho na kami ni tiger woods... not about that part na marami siyang kabit, and then again... pareho na nga kami talaga ni tiger woods!
biglang naputol ang aking munting daydreaming nang lumabas ang babae, with a smile. Lumapit ako at sabi niya, "Sir, saan niyo ho binili itong relo?" Halos pabulong. Sabi ko, bigay lang sa akin ng kaibigan. Tila hindi na makakaatras pa ang babae at kailangan na niang sabihin ang tutoo. tumingin siya sa mga mata ko at sinabing, "it's not authentic." Siyempre nagulat ako. Nagulat na napahiya. "We don't repair watches that are not authentic" 'Not authentic' sounded a lot less painful than 'fake.'
Ngumiti ako. Nagkamot ng ulo. "Gago talaga yung kaibigan ko. kaya pala binigay sa akin. Na-ninyos inosentes ako." I got the watch at lumabas kami ni jun. Tawa kami nang tawa. Pero sa loob loob ko, nakita kong papalayo nang papalayo sa tabi ko si tiger woods. Parang bigla siyang may naamoy na hindi maganda at di na lumingon, tuluyang nawala.
bumaba kami sa first floor. merong watch repair shop sa gilid. sabi ko, kailangan kong palagyan ng bagong baterya at paikliin ang metal strap. tiningnan ng repairman. hinihintay kong sabihin niyang "hindi kami gumagawa niyan, ser..." pero para bang biglang nawala ang magic spell ng relo. Kailangan lang pala may magsabing hindi authentic ang relo ko at biglang-bigla, lahat ng repairman, alam na agad na peke nga ang relong ito. Sa loob loob ko, ang galing! Parang nagkaisa silang lahat na lokohin ako.
Pag-uwi, kinausap ko si khaek. "sabi mo genuine ito." Ngumiti siya sa akin, tapos tumawa. Halos isang taon din niyang hinintay ang punchline ng kanyang practical joke. Deadma.
kinuwento ko ito sa isang mayamang kaibigan. akala ko matatawa siya sa kuwento ko. ngumiti lang siya. "nothing special. ganyan ang ginagawa ng kapatid ko pag pumupunta sa china. bumibili ng maraming relo: tagheuer, oris, movado, rolex, rado-- murang halaga. sino ba'ng makakaalam na fake? Sasabihin mo ba? ipagyayabang mo bang fake? ano ba'ng alam ng mga ordinaryong tao na fake nga iyan?" akala ko kasi, pag kinuwento ko sa kanya, matatawa siya sa kacheapan ko. Dagdag pa niya, "e kung tutoo nga iyan, at sinuot mo, naglakad ka sa kalye. ipagmamalaki mo bang genuine iyan? Siguro sa new york o sa paris. Pero dito? sa cubao? sa recto? o kahit sa makati cinema square? Ako hindi. itatago ko iyun. E pag hindi siya authentic... maipagyayabang mo, at wala kang takot maglakad sa kalye. bukod pa diyan, bukas sira na siguro iyan. Manghihinayang ka ba? Ha?"
Napatingin ako sa kanya. Seryoso ang tanong niya. So sumagot ako, "Hindi... bigay lang naman kasi, e."
Tawanan kami. Pero sa loob loob ko.. sana hindi masira agad. sana hindi bukas.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Natawa naman ako sa iyong Seiko automatic kasi meron din akong ganun! Minana ko mula sa aking yumaong ama at, ganoon nga, kailangan i-adjust every so often, kasi mabilis pa sa alas-kuwatro ang andar.
ReplyDeleteSo, buhay pa ba si Tagheuer?